IMG_6399 copy

ISA-ISANG pinasasalamatan ni Maja Salvador sa Instagram (IG) ang naging guests niya sa kanyang Majasty concert sa MOA Arena last Friday.

Kay JC de Vera, ang sabi ni Maja, “Thank you for being part of my special night. Salamat sa pagpayag na ipakita ang abs mo.”

Kay Rayver Cruz, “Thank you so much, my bro. Sa lahat ng hindi maganda o Magagandang nangyayari sa buhay ko, nandIyan ka palagi para sa akin. Bago mag-umpisa ang concert, isa sa nagpalakas at nag-inspire pa sa akin ang pag-good luck mo... nakita ko kung paano kaalaga, ka-sincere sa ‘kin... Salamat. Mahal kita.”

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Kay Enchong Dee, “My enchowwng..., my ethaan... my favorite friend... ‘di ko alam kung ano’ng meron sa ‘yo at sobrang gustong-gusto ko nilalambing ka at bawat lambing ko naman sa ‘yo napagbibigyan mo. Salamat sobraaa kahit biruan lang ang pagsuot mo ng boxers tinotoo mo.”

Kay Enrique Gil, “King of the Gil, salamat sa pagpayag na mag-guest ka. Kahit na Enrique Gil na napagbigyan mo pa rin ako. Marami kang napasaya at masaya ako na sumuporta rin ang ka-forever mo (Liza Soberano).”

Kay Paulo Avelino, “To my Carlos Antonio Pau Pau. Thank you sobra!!! Wala ‘ata akong lambing pa sa ‘yo na tinanggihan mo. Di ko alam kung bakit ang lakas ko rin sa ‘yo, siguro dahil sa pagkain na mga offer ko sa ‘yo noon sa taping. Pero salamat sa lahat. Na-appreciate ko lahat ng effort na binigay mo sa concert ko. Lalo na sa spot natin, sa pagpili mo ng mga kakantahin natin. Ang saya lang na na i-share ko sa kanila ang rakista side ko.”

Kay Piolo Pascual, “My Piolo Pascual... Marami man kaming nagkakandarapa sa ‘yo pero alam kong special na special ako sa ‘yo. Dahil pinaramdam mo ‘yun sa akin. Ang swerte kong malapit ako sa ‘yo dahil nahahawa ako sa kabaitan mo.

Salamat My Papa P! Sa lahat-lahat. The best ka. I love you My Papa P!”

Sa bestfriend niyang si Kakai Bautista, “Kakaiba talaga ang pagmamahalan natin. Kakaiba ang friendship natin... salamat sa lahat ng pagtitiyaga mo sa ‘kin, mas mahirap kang pagtiyagaan pero nakakaya ko naman, mahal na mahal kita.”

Maganda ang mensahe ni Maja para sa kanyang sarili at gabi ng kanyang concert: “The best night of my life... dream ko lang mag-perform noon. Dream ko lang maging JLo o Beyonce ng kahit isang araw lang. Natupad lahat ‘yun. Pero ang pinaka-the best ay ‘yung tinanggap ko na never akong magiging JLo o kaya Beyonce kaya naman masaya ako nu’ng ibinigay ko kung ano’ng kayang ibigay ni MAJA.

“Yes ‘di ko napuno ang MOA. Pero nu’ng isang gabi PUNUNG-PUNO ng pagmamahal ang MOA. Bawat labas ko ‘di kayo nagsasawang maghiyawan at magpalakpakan. Salamat sa lahat ng nanood. Salamat sa pagmamahal n’yo. Salamat sa Fans, sa Friends at sa aking pamilya. Masaya akong pinagbigyan niyo akong matupad ang pangarap ko.” (Nitz Miralles)