Inaresto nitong Linggo ang isang barangay chairman sa Echague, Isabela, dahil sa ilegal na pag-iingat ng baril sa Purok 3, Barangay Arabiat, Echague, Isabela.

Sa report ni Supt. Julio Reyes Go, tagapagsalita ng Isabela Police Provincial Office, ay kinilala ang nadakip na si Leonilo Antonio, chairman ng Bgy. Arabiat sa Echague.

Ipinatupad ng pulisya ang search warrant sa bahay ni Antonio at nakumpiska ang isang .45 caliber Armscor, isang magazine nito na may walong bala, at isang airgun rifle. (Liezle Basa Iñigo)

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog