MOALBOAL, Cebu – Isang 71-anyos na lalaki, na naiwang mag-isa sa kanyang tahanan, ang namatay matapos lamunin ng apoy ang kanyang bahay sa Barangay Tomonoy sa bayang ito.

Tinangka pa ng mga kapitbahay na iligtas si Dionisio Omagac ngunit masyado nang malaki ang apoy kaya hindi na nila nalapitan ang matanda, na hirap nang gumalaw matapos ma-stroke kamakailan.

Pansamantalang iniwan si Omagac ng kanyang misis, na dumalaw sa anak nila malapit sa lugar. (Mars W. Mosqueda, Jr.)

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog