Dingdong at Rep copy

MAY kumalat na picture sa social media na magkasama sina Cong. Leni Robredo at Dingdong Dantes at ‘yung hindi muna binasa ang caption, akala’y sa proclamation ni Cong. Leni bilang vice president ni Mar Roxas dumating si Dingdong.

Sa pagre-research, nalaman naming sa Youth Forum on Poverty with National Youth Commission, na si Dingdong ang commissioner, sila nagkita. Ginawa ang forum sa University of the Assumption sa San Fernando, Pampanga. Sa mga nagtatanong kung ang ibig bang sabihin ng pagkikita nina Cong. Leni at Dingdong ay si Cong. Leni na ang susuportahan ni Dingdong, wala pang nakakaalam dahil wala pang sinasabi ang aktor.

Ang kasunod na tanong kay Dingdong ay kung sino ang susuportahan niyang presidential candidate. Again, wala pang sinasabi si Dingdong, kaya hintayin natin.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Samantala, ngayong araw at bukas, November 17 ang sinabing delivery date ni Marian Rivera at lalabas na si Maria Letizia o Baby Z. Naalala namin, nai-post ang picture ni Dingdong habang personal na inaayos ang nursery ni Baby Z na karamihan ng gamit ay Hermes at may Givenchy pa. (NITZ MIRALLES)