Yassie at Andre copy

SA presscon ng Wang Fam sa Music Hall, Metrowalk Pasig City noong Miyerkules ay pinakamarami ang tanong ng press sa mag-amang Benjie at Andre Paras.

 

Natanong si Benjie kung ano ang magiging reaksiyon niya kapag isang araw ay magsabi sa kanya si Andre na nakabuntis ito.

Mga Pagdiriwang

Paskong Pilipino, pinakamahabang kapaskuhan sa buong mundo

“Ako po, eh, nasa right age naman na siya, pero sa ngayon hindi ako natatakot kasi kung mangyayari ‘yun, sana nangyari na po,” sagot ni Benjie. “Hindi naman ako tumitigil na magpayo sa kanila as much as possible, sabi ko na pilitin nilang magkaroon ng pamilya sa tamang panahon, ikinasal sa simbahan, may blessing ang pamilya nila, ganu’n po.”

 

Matatandaang nabuntis noon ni Benjie ang sikat at Regal Baby na si Jackie Forster sa edad na 15 at si Andre ang kanilang naging panganay at bunso naman si Kobe.

 

“Ako naman po hindi ko po iniisip kasi the way dad told me na umiwas like kung may mga girls na lumalapit sa inyo at alam n’yong makakasira, just avoid them,” sabi naman ni Andre. “Bumabarkada kasi ako sa mga tama maski sabihin ng ibang tao na they’re not cool or something, it doesn’t matter basta’t ka-jive mo or they understand you as a person, okay na po. 

 

“Siguro po ‘yung mga nakakabuntis at an early age or the wrong time, siguro po, napapabarkada sa mali. Me naman kasi, lahat ng mga kaibigang dinala ko sa bahay, boys and girls, in-approve niya (Benjie) kasi alam niyang nakaka-relate siya sa akin and that’s important.”

 

Between Barbie Laforteza at Yassi Pressman na parehong ka-loveteam ni Andre, mas malapit si Benjie sa huli dahil mas madalas daw niyang makita na kasama ng anak sa bahay at nakakasama pa niya sa pelikula at kung minsan ay nadudulas daw siyang tawaging, ‘dad.’

 

Paliwanag ni Andre, mas nauna kasi niyang nakatrabaho si Yassi simula pa sa Diary ng Panget at iba pang shows kaya mas kilala ang dalaga ng pamilya niya.

 

Si Barbie, sa seryeng The Half Sisters naman sa GMA nakakasama ni Andre.

 

Mag-ama din ang papel nila sa Wang Fam, si Andre bilang si Duke Wang at si Benjie naman bilang si Bu Wang, mula sa direksiyon ni Wenn Deramas handog ng Viva Films at mapapanood na sa Nobyembre 18.

 

Kasama nina Benjie at Andre sa pelikula sina Pokwang, Candy Pangilinan, Dyosa Pockoh, Atak Arana, Abby Bautista, Yassi, Wendell Ramos, Joey Paras, at Alonzo Muhlach. (REGGEE BONOAN)