AGAD naging viral sa social media ang video interview ni Daniel Padilla kay Presidentiable Mar Roxas na may titulong ‘Tanong ni Daniel Padilla Para sa Kabataan.’
Itinanong kasi ng young actor ang ilang mga pangunahing problema sa bansa tulad ng trapik at iba pa at kung paano ito masosolusyunan ni Secretary Mar halimbawang siya ang manalong presidente ng Pilipinas sa eleksyon. Binanggit ni Mar ang mga proyekto na binabalak niyang gawin para malutas ang naturang mga problema.
“Makakaasa ka, malinis, maayos, at mangyayari itong mga proyekto na ito,” aniya pa.
Nag-post naman sa Instagram si Ms. Korina Sanchez-Roxas ng, “Went to Teen King Daniel Padilla’s beautiful house for his interview with husband Mar on several issues that kids today are wondering about like traffic, Yolanda, jobs, etc.
“I’m so impressed with Daniel. Matalino, nakatapak ang paa sa lupa, masipag, sincere -- and so very cute, ha ha. Napakaganda ng pagpapalaki ng mommy ni Daniel sa kanya (Karla Estrada).
Sa picture na naka-post na magkakasama sina Korina, Mike Planas (stepdad ni Daniel), Congressman Dan Fernandez at Secretary Mar ay may caption na, “Thank you, Daniel and Karla, for believing in Mar and giving him the chance to explain issues through you. Mahal namin kayo.”
Nagtatanungan ang netizens kung si Mar na nga ba ang susuportahan ni Daniel sa 2016 ngayong botante na siya, ito ang aalamin namin sa kapag nakapanayam namin siya. (Reggee Bonoan)