Nobyembre 12, 1980 nang palibutan ng United States space probe Voyager I ang 77,000 milya (48,125 km) ng Saturn.

Naobserbahan ng National Aeronautics and Space Administration (NASA) astronomers ang ring ng Saturn na tulad ng concentric circles sa isang malaking batis. Bago ito madiskubre, maraming tao ang naniniwala na ang Saturn ay mayroong tatlo hanggang apat na ring.

Ngunit isiniwalat ng Voyager na ang mga ring ay binubuo ng daan-daang maliliit na ringlet na may halos 10 milya (16 kilometro) ang lapad.

Ginalugad ng Voyager 1 at 2 ang Jupiter, Saturn, Uranus, at Neptune at tiningnan ang mga ring at magnetic fields ng mga nasabing planeta. Noong Setyembre 2013, ang Voyager I ay nasa layong 18.7 bilyong kilometro mula sa araw.

Human-Interest

Color code sa shopping basket 'pag namimili sa dept. store, bet ng Pinoy netizens

Layunin ng Voyager Interstellar Mission na mas madagdagan ang impormasyon ng NASA sa solar system at iba pang mga planeta.