LIPA CITY, Batangas - Lumulutang na sa swimming pool nang matagpuan ng mga kapwa turista ang isang Korean matapos itong malunod habang nasa Onsemiro Resort sa Lipa City, Batangas.

Kinilala ng pulisya ang nasawi na si Sungchoon Choi, 43, negosyante, at taga-Seoul, South Korea.

Ayon sa report ng grupo ni PO3 June Gonzales, dakong 8:00 ng gabi nitong Nobyembre 8 nang nakipag-inuman ang dayuhan sa mga kapwa Korean sa loob ng resort sa Barangay Talisay.

Dakong 10:00 ng gabi nang mapuna ng mga kasamahan na nawawala si Choi, hanggang sa matagpuan itong nakalutang sa swimming pool. (Lyka Manalo)

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog