PBA Globalport_03_Dungo,jr_301015 copy

Mga laro ngayon

Philsports Arena

3 pm Globalport vs. Barako Bull

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

5:15 pm Star vs. NLEX

'Ang opensa ay magsisimula sa magandang depensa'- coach Banal.

“Our offense will start on our good defense.”

Ito ang pahayag ni Barako Bull coach Koy Banal bilang paalala sa mga players na nakatakdang makipagtuos sa unang laban ng PBA ngayong 3:00 ng hapon kontra Globalport.

Ang Barako Bull at Globalport ay kapwa galing sa panalo.

Kaugnay nito, matapos ang dalawang sunod na laro na idinaos sa Dubai, muling babalik ang PBA sa dati nitong tahanan-ang Philsports Arena na dating kilala bilang Ultra sa Pasig City ngayong araw na ito.

Ayon sa pamunuan ng PBA, hanggang sa susunod na limang playdates ng 2016 PBA Philippine Cup, ang laro ay gaganapin sa Ultra.

Maghahangad namang saluhin ang liderato ng NLEX sa pagsalang nito kontra Star sa tampok na laban ganap na 5:15 ng hapon.

Ginulat ng Globalport ang Star, 101-94, noong Oktubre 30 para sa ikalawa nilang panalo sa unang tatlong laro habang sinorpresa naman ng Energy Cola ang Barangay Ginebra, 82-79, isang araw bago nakapagtala ang Road Warriors ng back to back win matapos pataubin ang Barako Bull, 93-85.

Para kay Barako Bull coach Koy Banal, muli niyang aasahan ang paggana ng kanilang depensa na siya ring susi ng naging pag angat ng performance nila noong nakaraang season. (MARIVIC AWITAN)