KORINA S copy

MAGTUTULUY-TULOY na raw ang pagbabakasyon ng premyadong broadcast journalist na si Korina Sanchez.

Hindi pa man nagsisimula ang kampanyahan para sa 2016 elections, tumatakbong presidente ang kanyang esposong si Sec. Mar Roxas, pansamantalang hindi na mapapanood sa ere si Ms. Korina.

Ayon sa nakausap naming ABS-CBN insider, nakatakdang magpaalam muna ang programang Rated K ni Korina Sanchez.

Human-Interest

ALAMIN: Pagbibigay ng 13th month pay sa mga empleyado, paano nagsimula?

Paliwanag ng aming source, tila lingguhan din daw na napapanood si Sec. Mar sa tuwing nagho-host ng naturang magazine show si Korina.

Kumbaga, gustuhin man daw ni Korina na manatili sa ere ang kanyang Rated K ay management decision pa rin ang mananaig.

Dagdag pa rin ng kausap namin, malamang din naman daw na hindi gugustuhin ni Korina na mangarag sa pangangampanya para sa asawa niya and at the same time ay iniisip pa rin niya ang kanyang hosting job sa Rated K.

Banggit pa ng aming source, kahit nga raw hindi pa gaanong umaarangkada ang kampanyahan ay medyo haggard na ang dating ni Korina sa mga nakaraang episode ng Rated K.

“Naku, hindi pa nga officially nagsisimula ang campaign period, eh, nakaalsa na ang eyebags niya, di ba? Tiyak din namang napapansin ni Korina ‘yan,” sey pa ng aming source. (Jimi Escala)