Sam Milby copy

NANG ibalita ni Sam Milby sa presscon ng kanyang The Milby Way 10th anniversary concert sa Felicidad Mansion Baler sa Quezon City kamakailan na may bago siyang teleserye ay pahulaan ang lahat ng entertainment press kung ano iyon, pero hindi pa ito binanggit ng Rockoustic Heartthrob.

Pero nitong Lunes ng gabi ay ipinakita na sa trailer na si Sam pala ang makakatambal ni Julia Montes sa Doble Kara serye, na napapanood sa Kapamilya Gold.

Kahit na 32 si Sam at 20 lang si Julia ay hindi halatang malaki ang agwat ng edad ng singer/actor sa dalaga. At in fairness, bagay din sila bilang love team.

Human-Interest

ALAMIN: Mga inisyatibo ng NCCA sa pagpapakilala ng kultura ng mga katutubo

Sabagay, si Coco Martin man ay nasa early thirties din, pero bumagay ding ka-love team ni Julia sa mga teleserye—at hopefully, maging sa tunay na buhay. He, he, he!

Ang pagkakaiba lang nina Coco at Sam ay baby faced ang una, samantalang tisoy ang huli kaya matured tingnan. Pero base sa mga litratong inilabas ng Dreamscape Entertainment, bagay din pala sina Samuel Lloyd at Julia.

Masaya si Sam sa pagkakasama niya sa teleserye, dahil dagdag blessings daw ito sa kanya. Kasama rin kasi ang aktor sa Written In Our Stars, na pinagbibidahan nina Piolo Pascual, Jolina Magdangal at Toni Gonzaga-Soriano, na mapapanood naman sa Primetime Bida.

“It’s my first time now na magkakaroon ako ng dalawang teleserye, kasi before (noong nagsisimula pa lang siya), isang teleserye at isang pelikula. So, medyo mahirap sa schedules, but I’m happy, kasi sobrang blessed ako,” nakangiting sabi ng aktor.

Kung hindi kami nagkakamali ay malamang sa 2016 na ito mapapanood dahil wala namang magtatapos na programa sa primetime. Pawang extended kasi ang Ang Probinsiyano, Pangako Sa ‘Yo at On The Wings Of Love hanggang sa first quarter sa susunod na taon.

Going back to Sam, tinapos na niya ang tsikang siya ang text mate ni Maja Salvador at siya ang nagpapasaya sa aktres, matapos siyang umamin na mayroon na siyang idine-date.

“Technically, I’m seeing someone,” sabi ni Sam.

Wala pang pangalan at mukha ang girl na sinasabi ni Samuel, pero sabi ng aming source, isang print ad at commercial model daw ang dalaga, at kasalukuyang may umeereng TVC tungkol sa shampoo o skin care.

Natagalan bago nagsabi ang binata na mayroon na siyang idine-date.

“Ayokong magkaroon ng girlfriend just to say na may girlfriend ako. Kung magkaka-girlfriend ako, because I’m in love. But I’m really a bit picky and I’m seeing someone, inspired naman [ako],” katwiran ni Sam.

Pormal na bang ipakikilala ni Sam ang lucky girl sa kanyang The Milby Way concert sa KIA Theater sa Nobyembre 28?

“Hindi ko alam,” natawang sabi ni Sam, sabay dugtong, “Baka?”

Pero ayon sa aming source, manonood talaga ang girl kasama ang ilang kaibigan, na kakilala rin ng singer/actor.

(REGGEE BONOAN)