Nobyembre 4, 1970 nang sagipin ng mga awtoridad ang isang 13 taong gulang na feral girl na pinangalanang “Genie” (hindi tunay na pangalan) sa kanyang tahanan sa California, matapos humingi ng saklolo ang kanyang halos bulag nang ina. Ang babae ay may suot na diaper, at nag-iingay na parang sanggol.

Base sa paglalarawan ni Detective Sergeant Frank Linley, madilim ang buong bahay, at may takip ang bintana ng kuwarto ng bata.

Nag-umpisang ikulong si Genie ng kanyang ama na si Clark Wiley noong siya ay 20 buwan pa lang, sa paniniwalang siya ay “mentally retarded.” Iginagapos si Genie sa upuan o ikinakandado sa kuwarto sa loob ng halos 11 taon, at hinahampas ng karton kapag nag-iingay.

Ayon sa mga awtoridad, si Genie ay tumitimbang lang ng 59 pounds, at ang kanyang pisikal na anyo ay pangwalong taong gulang lang. Nagpakamatay ang kanyang ama bago ito makasuhan.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Tumira si Genie sa bahay-ampunan.