Dennis copy

NAPAGOD nang umiyak at mag-drama si Dennis Trillo, kaya malamang pagkatapos ng ginagawa niyang primetime drama na My Faithful Husband, magpahinga muna siya sa pag-arte.

Matatapos na ngayong November ang serye na nagtatampok sa kanila ni Jennylyn Mercado at pinamamahalaan ni Direk Bb. Joyce Bernal.

“Nagsabi na ako sa manager ko na gusto ko munang magpahinga,” sabi ni Dennis. “Physically and emotionally draining ang character ko bilang si Emman at ito na para sa akin ang pinakamahirap na role na ginampanan ko. Ngayon lamang ako gumawa ng soap na todo iyak ako, nakikipagsigawan sa mga kaeksena ko, mabigat sa dibdib.”

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Gusto rin ni Dennis na magpahinga dahil hindi biro ang 57 shooting days niya noon sa Felix Manalo na sumabay din sa pagsisimula ng My Faithful Husband.

“Nag-request din ako sa manager ko at sa GMA-7 na rin, na gusto ko naman ang susunod kong project, light romantic comedy. Gusto ko namang ipakita sa mga nanonood sa mga projects ko na p’wede naman akong maging romantic at magpatawa, hindi lagi na lamang seryoso at nagda-drama.”

Ang alam namin hanggang November 10 na lamang ang taping nila ng My Faithful Husband. After that, balak magbakasyon muna sa ibang bansa si Dennis o baka dito na lamang kasama ang 8-year old son niyang si Calix. Pareho raw silang mahilig sa beach at susulitin nila ang matagal na panahon na hindi sila nagkasama ng anak sa bakasyon.

(NORA CALDERON)