Magkakasa ng kilos-protesta ang mga miyembro ng Pinag-Isang Samahan ng mga Tsuper at Operator Nationwide (PISTON) sa harap ng tanggapan ng Department of Transportation and Communication (DoTC), ngayong Lunes ng hapon.

Ayon kay George San Mateo, pangulo ng PISTON, dakong 1:00 ng hapon ngayong araw magpoprotesta ang mga driver at operator sa tanggapan ng DoTC para tutulan at kondenahin ang plano ng ahensiya na public utility jeep (PUJ) year model phase out.

Kasabay ng nasabing protesta ng PISTON ang consultative meeting na isasagawa ng DoTC kaugnay ng “PUJ Modernization”, na nagsusulong sa year model phase out ng mga ito.

Sakaling ipatupad ng DoTC, maraming driver at kanilang mga pamilya ang posibleng malugmok sa kahirapan sa pinangangambahang pagkawala ng pagkakakitaan, dahil karamihan sa kanila ay sa kita lang sa maghapong pamamasada umaasa ng panggastos sa araw-araw. (BELLA GAMOTEA)

Politics

Dalawang Tulfo brothers, nanguna sa survey ng senatorial race