VICTORIA, Tarlac - Isang vintage bomb, na pinaniniwalaang ibinaon ng mga hindi kilalang armado, ang nahukay sa Barangay San Fernando, Victoria, Tarlac.

Sa ulat ni PO2 Sonny Villacentino, ang pagkakatagpo sa bomba ay ini-report ni Joel Mauricio, nasa hustong gulang, matapos niyang mahukay ito habang nagtatanim ng puno ng saging sa likod-bahay ni Gil Ganiban, nasa hustong gulang.

Napag-alaman na ang vintage bomb ay maaari pang sumabog kapag naalis ang pin nito.

(LEANDRO ALBOROTE)

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?