BAGUIO CITY – Dinakip ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency-Cordillera Administrative Region (PDEA-CAR) ang dalawang drug pusher at isang nagpanggap na pulis sa isang buy-bust operation sa Lower Magsaysay dito.

Kinilala ni PDEA Regional Director Juvenal Azurin ang mga naaresto na sina Bernie Emocling Distor, 24, binata, obrero, ng Private Road; Jamal Taki Barodi, 20, vendor, ng T. Alonzo; at Marvin John Tufay Loyola, 29, may asawa, ng La Trinidad, Benguet.

Nakatakas naman ang isa pang kasamahan ng mga suspek na si Ansano Pumbaya.

Ayon kay Azurin, nagbenta ang mga suspek ng P48,000 halaga ng shabu sa poseur buyer ng PDEA, at sa kabuuan ay nakuhanan ang mga suspek ng 63.8969 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P300,000. (Rizaldy Comanda)

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog