CABANATUAN CITY – Pinayuhan ng Tollways Management Corporation (TMC) ang mga bibiyahe ngayong Undas at dadaan sa North Luzon Expressway (NLEX) na subukan ang mga shortcut upang makaiwas sa pagsisikip ng trapiko.

Sa mga magmumula sa Maynila, Caloocan, Navotas at Malabon na pa-norte, dumaan sa Monumento Circle, diretso sa MacArthur Highway hanggang sa Karuhatan Exit sa may Valenzuela, at kanan sa Mindanao Avenue upang makalabas sa NLEX.

Kung manggagaling sa EDSA, kumanan sa North Avenue, kaliwa sa Mindanao Avenue, diretso sa NLEX Mindanao Avenue-Smart Connect Interchange.

Kung patungong Balagtas, lumabas sa Balagtas Exit/Plaridel Bypass sa halip na sa Bocaue Exit.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

Ang mga taga-Sta. Maria na pa-Metro Manila ay maaaring dumaan sa Pandi papuntang Plaridel Bypass hanggang makalabas sa Balagtas Exit. (Light A. Nolasco)