CAIRO (AP) — Dumanas ng masamang panahon ang buong Middle East noong Linggo, inulan ang Israel ng baseball-sized na hail, nagliparan ang mga hindi nakolektang basura sa lansangan ng Beirut at anim katao ang namatay sa Egypt, lima ang nakuryente sa natumbang power cable.

Bumagsak ang cable mula sa isang tramway sa coastal city ng Alexandria sa mga binabahang kalye, at lima katao ang nakuryente. Ang ikaanim na biktima ay namatay sa pagkalunod nang makulong sa loob ng kanyang sasakyan.

Iniutos na ni Egypt President Abdel-Fattah el-Sissi sa gobyerno na tulungan ang mga binaha sa Alexandria.

Internasyonal

Misa ng Santo Papa dinumog, halos kalahati ng populasyon ng East Timor, dumalo