Tatlong sundalo ang nasugatan sa pagsalakay ng mga miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) sa Maguindanao.

Batay sa report ng Mamasapano Municipal Police, ang mga biktima ay nakilala lang sa mga pangalang Corporal Panaligan, CPL Magaso at PFC Lanagnao, na pawang nakatalaga sa 34th Infantry Battalion ng Philippine Army at ginagamot pa sa Maguindanao Provincial Hospital.

Ayon sa ulat ni 6th Infantry (Kampilan) Division, Philippine Army Public Affairs Office Chief, Captain Jo-Ann Petinglay, dalawang hindi kilalang lalaki na hinihinalang kasapi ng BIFF ang dumating sakay sa isang motorsiklo at pinaulanan ng bala ang detachment ng 34th IB sa Barangay Linantangan, Mamasapano, Maguindanao. (FER TABOY)
Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol