LOS ANGELES (INSIDE Edition) — Isang Southwest Airlines jet ang bumalik at nag-emergency landing sa LAX matapos diumano’y sakalin ng isang lalaking pasahero ang isang babae sa paghilig ng upuan nito, sinabi ng mga saksi.

Bumalik ang Flight 2010, patungong San Francisco, noong Linggo ng gabi halos 30 minuto sa biyahe nito dahil sa “rapidly escalating situation involving passengers who were not traveling together,” sinabi ng airline sa isang pahayag.

Ayon sa mga saksi, sinabi ng babae na tinangka siyang sakalin ng lalaki na nakaupo sa kanyang likuran dahil inihilig niya ang kanyang upuan, iniulat ng NBC News.

Idinetine ng Los Angeles Airport Police ang lalaki. Inilipat ang mga pasahero sa isang flight at dumating nang limang oras na huli sa San Francisco.

Internasyonal

Misa ng Santo Papa dinumog, halos kalahati ng populasyon ng East Timor, dumalo