Jennylyn Mercado

ALAM ni Jennylyn Mercado na magagalit sa kanya ang viewers ng My Faithful Husband  kapag nagsimula nang umere ang drama series nila ni Dennis Trillo dahil sa role niyang nangaliwa ng asawa.

“Handa na ako sa magiging reaction ng viewers at ng fans ni Dennis. Handang-handa na akong ma-bash dahil alam kong darating ‘yun lalo na sa mga maaawa kay Dennis. Ang inaabangan ko na lang ay kung anong panglalait ang ibabato sa akin, masaya ito at dapat hindi ako mapikon,” wika ni Jennylyn.

Hindi lang may-asawa ang karakter ni Jennylyn bilang si Mel, may mga anak din sila at okay ito sa aktres dahil in real life ay may anak na siya at malaki na, si Jazz. May mga eksenang nasa bed sila ni Dennis, pero hanggang doon pa lang daw ang mga eksena nilang dalawa.

Tsika at Intriga

It's Showtime hanggang December 2024 na lang daw sa GMA, papalitan ng TiktoClock?'

Kaya lang, sa mga natapos ng episode ni Direk Joyce Bernal, walang kissing scene sina Jennylyn at Dennis at kay Mikael Daez mas maraming kissing scene ang aktres. Si Mikael kasi ang gaganap na boyfriend ni Jennylyn sa soap.

–Nitz Miralles