PANALO ang pag-i-impersonate ni Jolina Magdangal kay Cher sa Your Face Sounds Familiar dahil siya ang napiling winner. May hangover pa nga siya nang makita namin at kinanta ang kanta ni Cher na nagpapanalo sa kanya.

 Sa Easter Sunday edition ng Your Face Sounds Familiar, ang Aegis ang gagayahin nila ni Nyoy Volante, share sila dahil walang Saturday airing ng show. Hindi binanggit ni Jolina kung anong song ng Aegis ang ipanlalaban niya sa mga kasama.

“Gusto kong i-impersonate ang kaya ko. Si Madonna kaya ko, pero si Mariah Carey ‘di ko kaya, biritera ‘yun. Sina Cindy Lauper at Kylie Minogue, kaya ko, pero dahil sexy si Kylie, si Maxene (Magalona) na lang ang mag-impersonate sa kanya,” sabi ni Jolina.

Aprubado kay Jolina ang suggestion naming i-impersonate niya si Amy Winehouse dahil rocker ang the late British singer. Kaso, hindi sila ang pumipili kung sino ang i-impersonate nila kundi ang production team, sila ay naghihintay lang ng ma-a-assign sa kanila.

National

2 taga-Laguna na parehong nanalo sa magkahiwalay na Lotto 6/42 draw, kumubra na ng premyo

Sa 13th week pa ng Your Face Sounds Familiar malalaman kung sino sa walong celebrity contestants ang mananalo. Dahil hit sa televiewers ang show, sigurado si Jolina na may second season ito.

“Masaya” at “nakapi-pressure” ang description ni Jolina sa Your Face Sounds Familiar dahil every week, iba-ibang personality ang ginagaya nila. Pinaka-love niya si Maxene, pero si Jay-R ang tingin niya ay mahigpit nilang makakalaban dahil parang canvass ang mukha nito na nagiging kamukha ang mga ini-impersonate.

Ibang excitement naman ang ibinibigay ng Flordeliza kay Jolina. Hindi niya inakalang puwede siya sa heavy drama dahil sanay siya sa rom-com series at dramedy.

“Nagulat ako, kaya ko palang magdrama. Nabigyan ako ng chance ng ABS-CBN na ipakita ang ‘new’ Jolina at nakatutuwa dahil maganda ang feedback ng viewers. Tama lang na ngayon ko ginawa ang Flordeliza na may asawa at anak na ako,” patuloy ni Jolina.

Laging kasama ni Jolina ang anak na si Pele sa taping ng Your Face Sounds Familiar dahil dumedede pa ito sa kanya. Ang anak din ang rason kung bakit may sarili siyang dressing room dahil may dala silang crib. Kapag dala ni Melai Cantiveros ang anak, magkalaro ang dalawang bata.

Samantala, sa Holy Thursday at Good Friday ay nasa Tagaytay, sa parents niya sina Jolina, asawang si Marc Escueta at baby nilang si Pele. Sa Black Saturday at sa Easter Sunday, nasa Batangas naman sila. May panahon silang makapagpahinga kahit papaano. (Nitz Miralles)