BATANGAS CITY-- Pinaghahanap ngayon ng mga awtoridad ang isang preso na nakatakas sa Batangas Provincial Jail sa Batangas City.

Ayon sa report ng Bagangas Police Provincial Office (BPPO), nakatakas ang suspek na si Teotimo Pasia, may kinakaharap na kasong paglabag sa RA 9165 (Illegal Drugs).

Bandang 3:15 ng hapon noong Marso 26 naghahakot umano ng bigas ang suspek kasama ang iba pang preso patungo sa kusina ng kulungan mula sa labas nang sinamantala ang pagkakataon at tumakas.
National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20