Mga laro ngayon: (JCSGO Gym)

1 pm Cebuana Lhuillier vs. Keramix

3 pm Cagayan Valley vs. MP Hotel

Solong pamumuno ang pag-aagawan ngayon ng Cebuana Lhuillier at Keramix sa pagpapatuloy ng 2015 PBA D-League Foundation Cup sa JCSGO Gym sa Quezon City.

National

DOH, nakapagtala ng 17 firework-related injuries sa loob lamang ng 24 oras

Kapwa nangibabaw ang dalawang koponan nang maipanalo ang unang dalawa nilang laban, ang Gems kontra sa Cafe Franceat MP Hotel at ang Mixers laban naman sa MP Hotel at baguhang Liver Marin.

Magtatagpo ang dalawang koponan sa ganap na ala-1:00 ng hapon.

“They are fast and running team. It’s another test for us,” pahayag ni Gems coach Boysie Zamar ukol sa inaasahang magiging panibagong hamon sa kanyang koponan na isa sa “team to beat” ngayong conference.

Sa kabilang dako, pinakamalaking pagsubok naman, ayon kay coach Caloy Garcia, ang pagsagupa sa Gems.

“We all knew naman that Cebuana is a star studded team and they’re the tallest in the league with Tautuaa and Norbert Torres.”

Gayunman, naniniwala si Garcia na kung makalalaro na ang kanyang dalawang big men, mayroon silang tsansa para makasilat sa kalaban.

Tinutukoy nito sina St. Benilde center Robert Bartolo at Raymund Jamito.