Xian Lim

Ni NITZ MIRALLES

ANG photo post na kuha sa storycon ng pelikulang pagsasamahan nina Gov. Vilma Santos at Angel Locsin na may caption na “Very excited for this project” ang sagot ni Xian Lim sa bashers na kumukuwestiyon sa desisyon ng Star Cinema na isama siya sa cast ng pelikula.

Si Xian ang ipinalit kay Luis Manzano na kasama sa original cast, pero nag-beg off dahil ayaw magamit ang relasyon nila ni Angel sa promo ng movie na hindi maiiwasan.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Ang importante kay Xian, siya ang last at final choice at hindi naman niya ito hiningi sa Star Cinema. Kaya dedma ang aktor sa mga patuloy na pamba-bash sa kanya.

Bukod sa first time niyang makakatrabaho sina Gov. Vi at Angel, first time rin ni Xian to be directed by Bb. Joyce Bernal. Ibang experience rin ang maidirek ni Direk Joyce dahil very cool at hindi yata marunong magalit.

Naalis man si Xian sa drama series na Bridges of Love, maganda pa rin ang kapalit sa kanya at ito’y ang chance na makasama sina Gov. Vi at Angel in one movie at maidirehe ni Bb. Joyce.