Inabisuhan ng Energy Regulatory Commission (ERC) ang publiko sa nagpapanggap na engineer o kinatawan ng Commission na huwag makipagtransaksyon sa mga ito.

Kinilala ng ERC ang mga nagpapanggap na sina Noel Francisco na nagpapakilala bilang chief engineer, Rafael Canlas, bilang assistant engineer, at sina Noel Carino at Jun Canlas, na nagsasabing may tanggapan sila sa 16thFloor, ERC Lab, ERC Building, Pacific Center, Ortigas.

Ayon sa ERC, nag-aalok ang mga pekeng engineer ng meter calibration services sa mga kustomer ng Meralco at naniningil ng P1,000.

“The public is WARNED NOT TO TRANSACT with the foregoing individuals as they are not and have never been employees nor engineers of the ERC,” abiso ng ERC.

Guanzon, overtime sa speech sa COC filing; Comelec humingi ng paumanhin

Hinihiling ng ERC na isuplong ang mga suspek sa ERC’s Consumer Affairs Service sa telepono 687-55-77 (-44), 689-5343 o 689-53-88 o sa Meralco call center at 16-211.