Coco at Julia

KAHIT ilang beses nang itinanggi, may mga naniniwala pa ring “more than friends” ang ugnayan nina Coco Martin at Julia Montes. Katunayan, may tsika sa ABS-CBN compound na matagal na raw silang magkasintahan.

May nasagap kaming kuwento sa presscon ng You’re My Boss na may nagbabawal daw kay Coco na aminin ang tunay na relasyon nila ni Julia. Katibayan na ‘sila’ nga? Si Coco pa mismo ang nagre-request sa management niya na pagtambalin silang muli ni Julia.

Siyempre, para ‘legal’ ang madalas nilang pagsasama, kayo naman.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Balitang tatagal ng anim na buwan ang Wansapanataym Presents Yamashita’s Treasure na ginagawa nila sa Dreamscape Entertainment na magsisimula nang mapanood sa darating na Linggo sa ABS-CBN. Lovers at work lang ang peg, di ba?

Pero kinontra ng source namin ang kuning-kuning na matagal nang may relasyon sina Coco at Julia, dahil ilang buwan pa lang naman daw ito. Pero napapansin ng source na super in love ang dalawa sa isa’t isa, huh!

Kung ilang beses nagkakausap sa isang araw sina Coco at Julia. Ang tawag nga raw ni Julia ang gumigising kay Coco, lalung-lalo na kung may early morning taping o shooting ang aktor. Ang sweet, ha?

Totoo ito dahil sa isang post ni Coco sa kanyang Facebook account ay binanggit niya ang pagtawag ni Julia ng maagang-maaga sabay pasasalamat dahil kinumpleto raw agad ng dalaga ang araw niya.

Sa presscon ng Wansapanataym, diretsahang binanggit ni Coco na kailangang ma-in love muna siya sa leading lady niya bago siya makaarte.

“Honestly, kailangan ma-in love ako sa leading lady ko para makaarte. Mahirap ipeke ang acting. Kailangan nararamdaman mo siya, kailangan totoo, organic ang ‘pinapakita.

“Sabi ko nga, minsan hindi kailangan tumulo ang luha, minsan maramdaman mo lang I’m sure mararamdaman nila (viewers) kung ano ang nararamdaman mo. Kailangan nararamdaman ko ang isang bagay para maiarte ko,” sabi ni Coco.

May paiwas din agad na depensa si Coco nang aminin ni Julia na nakita niya kay Coco ang qualities na hinahanap niya sa isang lalaki.

“Napakalalim na ng pundasyon namin as a love team. Kami ni Julia, kumbaga, parang kung i-overall ko siya, si Julia talaga ‘yong ‘pag sinabing sino ang naka-loveteam ko noong araw, Julia Montes,” sabi ng aktor.

Ang makapagpapatunay daw na may relasyon na talaga ang dalawang ito ay ang pagbabawal ni Coco sa mga pumuporma kay Julia na bawal pa itong ligawan.

Kung si Julia ang leading lady ni Coco sa Wansapanataym Presents Yamishita’s Treasure, ang box office queen namang si Toni Gonzaga ang katambal niya sa You’re My Boss ng Star Cinema.