Marso 19, 2003 nang ilunsad ng United States (US) katuwang ang “Coalition of the Willing” nations katulad ng United Kingdom ang “Operation Iraqi Freedom.” Ito ay sinundan ng 48-oras na deadline para sa noon ay Iraqi president na si Saddam Hussein upang lisanin ang Iraq, na ipinag-utos ni noon ay United States president na si George W. Bush.

“At this hour, American and coalition forces are in the early stages of military operations to disarm Iraq, to free its people and to defend the world from grave danger,” pahayag ni Bush sa kanyang talumpati sa telebisyon.

Unang inatake ng samahan ang “targets of military importance,” gamit ang Tomahawk cruise missiles na nagmula sa mga gamit ng US military sa Persian Gulf. Noong Abril 9, 2003 nang okupahan nito ang Baghdad.

Mayo 1, 2003 nang inanunsiyo ni Bush na tapos na ang marahas na labanan, kung saan natalo ang Iraqi military troops.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho