Marso 17, 461 A.D., nang pumanaw ang Kristiyanong misyonero na si Saint Patrick sa Saul, Downpatrick, Ireland, na roon niya itinatag ang una niyang simbahan.

Isinilang siya sa United Kingdom, sa isang mayamang pamilya na Romano Kristiyano. Sa edad na 16, inalipin siya ng mga magnanakaw na Irish at sa sumunod na anim na taon ay nagsilbing pastol. Nakilala siya sa kanyang spiritual autobiography na “Confessio,” at sa kanyang “Letter to Corotius.”

Sa isa sa kanyang mga panaginip, isang lalaki na nagngangalang Victorius ang nag-abot sa kanya ng liham na may titulong “The Voice of the Irish.” Habang binabasa ang liham, inilusyon niya ang mamamayang Irish na nagpapauwi sa kanya sa kanyang bayan. Inordinahan siyang obispo matapos siyang mag-aral ng pagpapari. Noong 433 A.D. niya sinimulan ang pagtuturo ng mga salita ng Diyos sa Ireland. Kinumbinse niya ang mamamayan na maniwala sa Santisima Trinidad sa pamamagitan ng three-leaf clover.

Ilang taon pagkamatay niya ay naging patron siya ng Ireland at naging pambansang apostol.
National

DOH, nakapagtala ng 17 firework-related injuries sa loob lamang ng 24 oras