Siniguro ng Department of Education (DepEd) na hindi lang “zone of peace” ang mga paaralan kundi ligtas at maayos na makakapag-aral dito ang mga estudyante.

“The Philippines, through the Department of Education recognizes that schools are at the heart of our communities, therefore we commit to keep our schools safe,” pahayag ni Assistant Secretary Reynaldo D. Laguda sa 3rd UN World Conference on Disaster Risk Reduction sa Sendai, Japan.

Aniya, mahalaga ang partisipasyon ng komunidad sa safe school program.

“No school can be safe without the involvement of its host community and no community is safe if its schools are not safe,” diin ni Laguda.

Mapayapa, nagkakaisang Pilipinas 'di matitinag, babangon sa gitna ng hamon—VP Sara