TANAUAN CITY - Kapwa nakagapos ang mga paa at may piring ang dalawang bangkay, isang babae at isang lalaki na natagpuan sa kalsada ng Barangay Banadero sa Tanauan City, Batangas.

Inilarawan sa report ng pulisya ang lalaki na may edad 30-35, nasa 5’3” ang taas, nakasuot ng dilaw na T-shirt, asul na jacket at brown na six-pocket short pants.

Nakasuot naman ng asul na blusa, itim na jacket at asul na maong short pants ang babae na nasa edad 30-35, at may taas na limang talampakan.

Ayon sa report ng Batangas Police Provincial Office (BPPO), dakong 5:00 ng umaga noong Marso 12 nang matagpuan ang mga bangkay na kapwa may tama ng bala sa ulo.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Patuloy namang iniimbestigahan ng pulisya ang insidente habang kinikilala pa ang mga bangkay.