Hangad ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) na mapasakamay ang unang gintong medalya sa Southeast Asian Basketball (SEABA) Championship Under 16 sa Abril sa Cagayan de Oro City.

Sinabi ni SBP Executive Director for International Affairs Butch Antonio na ang torneo ay isang qualifying para sa 2015 FIBA Asia Under 16 Championships na gaganapin sa India.

“Remember, we won silver in this FIBA Asia Under 16 in 2013. We hope we could improve this time,” sinabi ni Antonio.

Isa lamang ang torneo sa kasalukuyang pinaghahandaan ng SBP kung saan ay una na nitong binuo ang Sinag Pilipinas Cadet pool na isasabak naman sa SEABA at Southeast Asian Games.

National

Agusan del Sur, nilindol ng magnitude 5.3

“We are still doing try-outs for the team which might include some of the players in the Sinag Cadet pool,” paliwanag pa ni Antonio.

Una nang kinilala ni national coach Tab Baldwin ang nakapasang 16 players sa Gilas Cadet pool na mula sa orihinal na 25 inimbitahan sa ilang serye ng try-outs.

Kabilang sa grupo sina UAAP Most Valuable Players Kiefer Ravena ng Ateneo at Bobby Ray Parks Jr. ng National University (NU), bukod pa kina Jeron Teng ng La Salle, Mac Belo ng Far Eastern University (FEU), Baser Amer ng San Beda at Kevin Ferrer ng University of Sto. Tomas (UST).

Kasama sa Cadet national pool sina Jiovanni Jalalon ng Arellano, Glenn Khobutin ng NU, Thirdy Ravena ng Ateneo, Prince Rivero ng La Salle, Troy Rosario ng Hapee, Scottie Thompson ng Hapee, Norbert Torres ng Cebuana Lhuillier, Arnold Van Opstal ng La Salle at Almond Vosotros ng Cebuana Lhuillier.

Isasagawa naman ang SEABA Men’s sa Abril 27 hanggang Mayo 1 habang ang SEA Games ay sa Hunyo 9-15 na parehong idaraos sa Singapore.

Ang SEABA Championship ang qualifying tournament sa FIBA Asia Championship sa Hunan, China na siya namang regional qualifier ng Brazil Olympiad sa susunod na taon.