GAPAN CITY, Nueva Ecija - Nabawasan ang mga scavenger sa dumpsite sa lungsod na ito matapos na aksidenteng maatrasan at magulungan ng payloader ang isa sa kanila sa Barangay Macabaklay sa Gapan City, Nueva Ecija.

Sa ulat ni Supt. Nelson Aganon, hepe ng Gapan City Police, sa tanggapan ni Senior Supt. Crizaldo O. Nieves, Nueva Ecija Police Provincial Office director, agad na namatay si Mary Ann Laungayan Marcelo, 11, ng nasabing lugar, makaraang mapisak ng nasabing heavy equipment.

Nabatid sa pagsisiyasat ni PO3 Dennis Pengson na dakong 9:40 ng umaga, abala si Evaristo Gamboa Bunag, 62, ng Bgy. Pambuan, sa pag-o-operate ng payloader ng lokal na pamahalaan at sinisinop sa isang lugar ang nakatambak na basura nang hindi nito napansin at tuluyang naatrasan ang biktima.

Boluntaryo namang sumuko sa pulisya si Bunag na nahaharap sa reckless imprudence resulting to homicide.
National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20