Karla Estrada

KAHIT pa wika nga’y nakahiga na sa salapi ang nanay ni Daniel Padilla na si Karla Estrada, ayaw pa rin niyang paawat sa pagsasali sa mga pakontes.

Una niyang sinubukan ang suwerte sa The Voice of the Philippines, pero walang narinig na potensiyal sa boses ni Karla kaya’t nganga siya sa apat na coaches na sina Apl de Ap, Sarah Geronimo, Bamboo Mañalac at Ms. Lea Salonga.

Kaya lang, pigilan man ng kanyang friends ang dating actress-singer sa pagiging ‘kontesera’ na nagsimula noong kabataan pa niya sa probinsiya. Aniya’y walang makakahadlang sa kanya dahil bahagi na ng kanyang pagiging fighter ang pagsali sa mga paligsahan, win or lose.

National

Leni Robredo binisita puntod ng asawa bago tuluyang naghain ng COC sa Naga City

Ngayon, kasali naman siya sa Your Face Sounds Familiar.

“Yes, eversince I’m a fighter talaga. Walang sukuan talaga sa kahit anong laban,” sey ng maganda pa rin ngunit ‘heavyweight’ na mommy ng teen king. “At nagkakataon na ‘yung ino-offer sa akin ay may koneksiyon do’n sa mga gusto kong gawin. Nu’ng in-offer sa akin ito, siyempre may konti akong hiya na parang ang laki ko, hindi ako makakasayaw, kaya lang, hindi mo naman alam kung sino’ng ibibigay sa iyong music icon, eh.”

Kaya nagi-effort na raw siyang magpapayat sa ngayon.

“Meron talaga, but for now, pananatilihin ko muna ang katawan kong ganito, para naman may pagkakaiba ako do’n sa mga seksing kalaban ko or else pare-pareho na lang kami,” biro pa niya.

Makakatunggali ni Karla sa Your Face Sounds  Familiar sina Jolina Magdangal, Melai Cantiveros, Nyoy Volante, Maxene Magalona, Tuti Caringal, Edgar Allan Guzman at Jay-R. Magsisimula na ang kompetisyon sa March 14 at tatagal ito ng 13 weeks.