Dahil sa lumalalang disiplina sa pagmamaneho sa bansa, iginiit ng isang kongresista mula sa Mindanao na isama sa curriculum ng high school ang driver’s education upang maisaulo ng kabataan ang kahalagahan ng disiplinado at ligtas na pagmamaneho.

Inihain ni Davao del Norte 2nd District Rep. Antonio Lagdameo Jr. ang House Bill 5425 na nagsusulong sa driver’s education program sa senior year curriculum.

Sa ilalim ng panukala, ituturo sa mga senior high school student—edad 16 pataas—ang driver’s education.

Nakasaad sa panukala ang pagkakaroon ng actual driving lesson, na pangangasiwaan ng isang professional driving instructor na kuwalipikado at lisensiyado ng Technical Education Skills Development Authority (TESDA) at bibigyan ng professional driver’s license ng Land Transportation Office (LTO).

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Nakasaad din sa panukala na ang gagamiting sasakyan sa pagtuturo sa pagmamaneho ay imamantine ng paaralan ng estudyante.

Binigyang kahalagahan ni Lagdameo ang HB 5425 dahil sa patuloy na pagdami ng aksidente sa lansangan na kinasasangkutan ng mga sasakyan na minamaneho ng mga driver na kulang sa tamang edukasyon sa pagmamaneho at disiplina sa kalye.

“According to the data from the Philippine National Police-Traffic Management Group, driving error, overspeeding, using of cell phone while driving, bad overtaking and turning, among others, are the causes road accidents,” paliwanag ni Lagdameo.

Kung hindi maaagapan, sinabi ni Lagdameo na iniulat ng DoJ na posibleng pagsapit ng 2020 ay maging top leading cause ng pagkamatay sa bansa ang dumadaming aksidente sa lansangan. - Ellson A. Quismorio