CIUDAD VICTORIA, Mexico (AP) – Ikinulong ng awtoridad sa Mexico ang 15 pulis matapos umanong dukutin ng mga ito ang may-ari ng isang construction company sa hilagang lungsod ng Matamoros at humingi ng $2 million (P31 milyon) ransom, ayon sa isang government official noong Sabado.

Ayon sa opisyal sa federal Attorney General’s Office, inaresto ang mga pulis noong Huwebes ng gabi habang naghahandang tanggapin ang pera na kanilang hinihingi bilang kapalit ng paglaya ng biktima.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho