MINNEAPOLIS (AP) – Naospital si dating US Vice President Walter Mondale dahil sa flu.

Magbibigay sana ng introduksiyon si Mondale para sa dating presidente na si Jimmy Carter noong Biyernes sa taunang Nobel Peace Prize Forum.

Sa halip, sinabi ni Carter na ang kanyang dating bise-presidente ay nasa Mayo Clinic sa Rochester.

Ayon kay Carter, nakausap na niya si Mondale, 87, at sinabi ng dating ikalawang pangulo na mabuti na ang pakiramdam nito.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho