Ellen Adarna

DAPAT yatang isalang si Ellen Adarna sa problem solving portion ng Eat Bulaga dahil inamin na niya sa Aquino & Abunda Tonight na inom siya nang inom (as in laklak nang laklak, na siyempre alak at huwag nang magtanga-tangahan, ‘noh!).

Aminado rin si Ellen na nahihirapan siya sa kalagayan niya ngayon dahil sa break-up nila ng kanyang non-showbiz boyfriend.

Aniya, naaapektuhan na pati ang kanyang katawan dahil napapadalas ang kanyang pag-inom upang makalimot.

Eleksyon

Ben Tulfo sa pagtakbo rin niya bilang senador: ‘This is another Tulfo’

“Since the break-up I gained a lot of weight. Inom lang ako nang inom, alis ako every night kasi,” kuwento ni Ellen sa A & A Tonight talk show. 

At  hindi na raw siya sanay mag-isa dahil tumagal din ng dalawang taon ang kanilang relasyon, at magkasama sila sa iisang bahay.

“I’m lonely. Eh, hindi ako sanay alone,” prangkang sabi pa niya.

“May mga issues kami na hindi na talaga na-solve. Kasalanan ko rin kasi hindi ko in-address sa kanya ‘yong mga problema ko before.”

And take note, wala raw kinalaman si EJ Falcon sa hiwalayan blues.

Well, ang quotation-ek na lang namin para kay Ellen Adarna ay... to forget someone special is to get another someone special. 

Saka tunog ibon ang apelido niya kaya ang aming another saying ay... there’s a lot of ibon in the sky, boom kaboom!