Bea Binene

HINDI na nagulat si Bea Binene na tila naiba ang story dahil ‘yung nabanggit niyang third party na rason ng break-up nila ni Jake Vargas, sa kanya isinisisi ng ilang JaBea fans. 

Hindi na raw nakakagulat na may ilang JaBea fans na galit sa kanya dahil nakipaghiwalay siya kay Jake. Nabaligtad tuloy ang istorya, siya ang pinalalabas na may iba kaya sila naghiwalay.

“Sabi nila kaya ako nakipag-break dahil kay Derrick Monasterio at nabanggit din ang name ni Kristoffer Martin. Hindi totoo ‘yan, friends ko lang sila. May GF si Derrick at ayokong maging third party sa kanila. Kaibigan ko rin si Kristoffer, ano ba? Kaya ‘pag nakababasa ako ng negative sa Twitter at Instagram, delete at bina-block ko agad,” kuwento ni Bea.

Metro

Magpinsang paslit nagkayayaang maligo sa lawa, nalunod

Dagdag pa ng dalagita na nakausap namin sa presscon ng in-endorse na food supplement na VeryFit, nasa “acceptance stage” pa lang siya sa break-up nila ni Jake at looking forward na siya sa “moving on” stage na malapit na raw.

Ang next na ilu-launch ni Bea ay ang indie film na Dinggin na tungkol sa climate change. Hindi pa tapos ang shooting niya na ang isa sa eksenang ginawa ay nag-araro siya. Si Bea rin ang producer ng indie film na ito kaya nagpapatulong siya sa promotion. --Nitz Miralles