AMADEO, Cavite – Isang 15-anyos na estudyante sa high school ang napaulat na nagpakamatay sa pagbabaril sa sarili gamit ang .45 caliber pistol ng kanyang ama matapos siyang magkulong sa silid ng kanyang mga magulang sa Barangay Poblacion V sa bayang ito, iniulat ng pulisya kahapon.

Nangyari ang pagpapatiwakal dakong 7:00 ng gabi noong Marso 1, ngunit nitong Biyernes ng umaga lang naiulat sa Amadeo Police ang insidente.

Sa police report, kinilala ang nagpatiwakal na si Orlie Berona Bataclan, estudyante ng Pangil National High School sa Amadeo, na lasing umano nang nagbaril sa sarili, ayon kay SPO2 Oliver Amparo Salazar. (Anthony Giron)
National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20