Isang 44-anyos na driver ang inaresto ng pulisya noong Huwebes ng gabi dahil sa panggagahasa umano sa dalawa niyang anak na babae sa loob ng kanilang bahay sa Quezon City.

Ayon sa report sa Quezon City Police District (QCPD)-Station 4 (Novaliches), dinakip si Jesus Garbin, ng Sauyo Road, Barangay Sauyo, Novaliches, Quezon City.

Ayon kay Supt. Eleazar Matta, hepe ng QCPD-Station 4, inaresto si Garbin makaraang ireklamo ng kanyang misis sa panghahalay umano sa dalawa nilang anak na babae, isang 15-anyos at isang 11 taong gulang.

Batay sa imbestigasyon, halinhinan umanong hinalay ng suspek ang kanyang mga anak dakong 11:30 ng umaga noong Pebrero 28 at 12:30 ng umaga noong Marso 5.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Sinabi ni Matta na batay sa genital examination sa 15-anyos na biktima ay nakitaan ito ng naghilom na punit sa ari. (Francis T. Wakefield at Betheena Kae Unite)