Tila mauudlot ang dapat sana’y pinakaabangang paglalaro ng magkakasama sa iisang koponan ng mga higanteng sina Junemar Fajardo, Greg Slaughter at Asi Taulava sa darating na PBA All-Star ngayong weekend na gaganapin sa Puerto Princesa City sa Palawan.

Nakatakda sanang maglaro para sa South Team, makaraang iboto ng fans bilang isa sa starters, ngunit may duda ngayon ang reigning MVP na si Junemar Fajardo ng San Miguel Beer na makalaro sa darating na All-Star Game.

Nagtamo si Fajardo ng sprain sa kanyang kaliwang bukung- bukong sa kanilang laban noong Miyerkules kontra sa Barako Bull sa first quarter pa lamang at hindi na nakabalik hanggang sa matapos ang laro kung saan sila ang nagwagi sa iskor na 102-91.

Gayunman, nangako si Fajardo na kung hindi naman mamamaga at mananakit ang natamong sprain, susunod siya sa Palawan at maglalaro.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

“Depende sa kalalabasan ng X-ray, kung masakit ‘di ko na ipipilit. Pero kung wala namang problema maglalaro ako. Gusto ko rin kasing makarating ng Palawan, ‘di pa ako nakakapunta doon,” ayon kay Fajardo.