Marso 3, 1887 nang magsimulang tumanggap ng mga aralin ang anim na taong gulang na bulag na si Helen Keller (1880-1968) mula kay Anne Sullivan, na gumamit ng paraang “touch teaching”. Tinuruan si Keller kung paano bumasa, magsulat at magsalita.
Anak ni Arthur na naglingkod bilang Confederate army officer, nabulag si Keller matapos ang isang matinding karamdaman noong siya ay 19 na buwan pa lang. Inilathala ang libro ni Keller na “The Story of My Life” noong 1902, at nagtapos siya nang may karangalan sa Radcliffe College noong 1904, at kalaunan ay naging international lecturer at aktibista. Nangampanya rin si Keller para sa sosyalismo at pagkakapantay-pantay ng lahi at kasarian.
Nabulag si Sullivan matapos siyang maimpeksiyon noong bata pa. Tinuruan siya ng manual alphabet sa Perkins Institution for the Blind, at unti-unting naibalik ang paningin matapos ang serye ng operasyon. Si Sullivan ang madalas na kasa-kasama ni Keller hanggang sa mamatay ang una noong 1936.
Pumanaw si Keller noong Hunyo 1, 1968 sa Westport, Connecticut.