Daniel Padilla

HINDI itinatago ni Karla Estrada ang kanyang boyfriend.

Kuwento sa amin ng isang kaibigang malapit kay Karla, matagal na ring karelasyon ng ina ni Daniel Padilla guy na nagngangalang si Mark Yatco. 

Walang raw problema si Daniel sa karelasyon ng ina. Katunayan, kasundo raw ng Teen King si Mark.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Matagal nang hiwalay si Karla sa ama ni Daniel na si Rommel Padilla pero kahit may kanya-kanya nang buhay ay napanatili ng dalawa ang pagiging magkaibigan. At hindi nagkaroon ng anumang problema ang mga ito sa pagmamaniobra sa career ni Daniel. 

Kasalukuyang nasa Europe si Karla na ayon sa kausap namin ay may nilalakad doon para sa bubuksang negosyo nila ni Daniel. 

Si Karla pa rin ang talent manager at humahawak ng pera ng anak na super sikat na ngayon.