Demi-Lovato-copy-387x500

SUMUGOD sa ospital si Demi Lovato nang makaramdam nang paninikip ng dibdib.

Kinumpirma ng E! News na si Lovato ay nagtungo sa ospital noong Martes, nang makaranas ng flu-like symptoms. Siya ay niresetahan na ng antibiotics at nakauwi na sa kanyang bahay, ayon sa tagapagsalita ng singer.

Ayon sa TMZ, nakaramdam ng hirap sa paghinga si Lovato.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Habang kumakalat ang balita sa pagkakaospital ni Lovato ay nag-ingay ang kanyang mga tagahanga sa Twitter, at nag-aalala. Nananatili namang tahimik si Lovato sa Twitter sa buong linggo.

Ngunit, sinabi naman niya ang sakit na naramdaman bago siya nagtungo sa ospital.

Si Demi Lovato ay kasalukuyang nagpapahinga mula sa touring at gumagawa ng mga bagong awitin. Naghahanda siya ng kanyang tour sa Australia na gaganapin sa Abril. Hindi pa malinaw kung may matutuloy o maaabala ang nakaplanong concert dahil sa kanyang karamdaman. - Yahoo News/Celebrity