MASAYANG-MASAYA si Atty. Mel Sta. Maria sa ginawang maliit pero makahulugang surprise birthday segment para sa kanya ng production staff ng Solved Na Solved nitong nakaraang Lunes. Nagbigay din ng kani-kaniyang pagbati ang co-hosts niyang sina Gelli de Belen at Arnell Ignacio. 

“Si Atty. Mel talaga ang informer ko pagdating sa mga batas at isang pribiliheyo para sa akin na magkasama kami sa programa. Happy birthday, Atty. Mel! Cheers to another blessed year ahead. You da man!” bati ni Gelli de Belen. 

“Bago pa man ako mag-host ng Solved Na Solved kasama si Atty. Mel, fan na talaga niya ako lalo na sa kung paano niya ginagawang simple yung mga kumplikadong legal issues ng mga audience. Para kay Atty. Mel, happy birthday! Sana mas marami ka pang mabahagian ng iyong karunungan,” bati naman ni Arnell Ignacio.

Wish naman ni Atty. Mel na mas marami pang matulungan ang kanilang programa na tuluy-tuloy ang misyon para magbigay solusyon sa legal problems ng mga pangkaraniwang Pilipino.

National

Gatchalian kay Guo: 'See you tomorrow, sana magsabi ka na ng totoo!'

Ngayong linggo, pinag-uusapan nila ang kaso ng napaslang na 44 PNP-SAF members, at tatalakayin ang mga benepisyo’t karapatan ng kanilang naiwang mga pamilya.

Napapanood ang Solved Na Solved, Lunes hanggang Biyernes, 10:15 AM sa TV5.