LONDON (AP) – Pinaghahanap na ng mga pulis sa Turkey ang tatlong estudyanteng babae na pinaniniwalaang nagtungo sa Syria upang sumapi sa Islamic State extremist group habang nakikiusap naman ang kanilang mga pamilya na magsiuwi na sila.

Ang mga babae, na sinasabing “straight-A students” mula sa iisang eskuwelahan sa London, ay nawala simula noong Martes nang walang iniwang mensahe. Ayon sa mga awtoridad, sumakay sila sa Turkish Airlines plane patungong Istanbul.

National

Lotto winner sa Laguna na 30 years nang tumataya, kumubra ng ₱70M premyo sa PCSO