Patay ang isang 35-anyos na negosyante ng Rent A Car matapos siyang sagasaan ng kanyang kostumer gamit ang kanyang Toyota Fortuner na tinangay nito noong Linggo sa Barangay Anuling Lejos 2 sa Mendez, Cavite.

Kinilala ng pulisya ang biktimang si Leonard Jose Evaristo Bacani, 35, may asawa, negosyante at residente ng SSS Village, Marikina City.

Nakilala naman ang suspek na si Sherwin Villapando Alcantara, nasa hustong gulang, ng San Pablo, Laguna.

Sa pagsisiyasat ni Insp. Christian Padul, hepe ng Mendez Police, inarkila umano ng suspek ang Toyota Fortuner (ZSY-920) ni Bacani at kasama ang huli bilang driver ay nagpahatid si Alcantara sa Bgy. Anuling Cerca 1 sa Mendez para hanapin ang isang Atty. Lourdes Marasigan.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Bumaba umano ang biktima upang ipagtanong ang bahay ni Marasigan pero pagkababa nito ay agad na pumuwesto sa driver’s seat ang suspek at walang sabi-sabing pinaharurot ang sasakyan.

Agad na humabol ang biktima pero sinagasaan siya ng suspek bago tuluyang tumakas tangay ang Fortuner.

Sa follow-up operation ng pulisya ay nabawi ang Fortuner ng biktima sa panulukan ng Alfonso Road sa Bgy. Panungyanan 1 sa Mendez, pero pinaghahanap pa ang suspek.