Marie-copy

KASALUKUYAN palang kumukuha ng acting workshop si Sam Milby kay Yvana Chubbuck sa Los Angeles, California na magtatagal hanggang Marso.

Isa ito sa dahilan ng pagpunta sa Amerika ng aktor. Bukod sa may dinaluhang event at bakasyon, sumegue na rin siya sa acting workshop na mapapakinabangan niya sa upcoming projects niya.

Kuwento ni Erickson Raymundo, manager ni Sam, “Nandoon na rin siya sa LA, might as well kumuha na rin siya ng acting workshop.”

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Noong Pebrero 1 umalis sina Sam at Erickson at nagkita-kita sila ni Marie Digby at nanood ng gig kasama ang iba pa nilang mga kaibigan.

Kaduda-duda, baka ‘nagkabalikan’ ang dalawa. Walang inamin na relasyon ang dalawa pero marami ang nakahalata na may mas malalim silang ugnayan kaysa friendship noong mamalagi nang matagal na panahon sa Pilipinas ang dalaga.

May part two ba ang special friendship nina Sam at Marie?

“Hindi naman sila nag-date, on tour si Marie kaya busy din.”

Hindi namin naitanong kung anong petsa nagkita sina Sam at Marie dahil sa post ng international singer sa kanyang IG ay may inilagay itong caption na, “see you” pero hindi binanggit kung sino.

Masusundan kaya ang pakikita ng dalawa dahil sa Los Angeles din naka-base si Marie.