Jasmine-at-Sam-copy

HAYAN, sinagot na ni Jasmine Curtis Smith ang tsikang hiwalay na sila ng kanyang boyfriend na si Sam Concepcion.

Sinulat namin kamakailan na ipinagtanggol sina Sam at Jasmin ng isang taong malapit sa kanya sa isyung hiwalay na ang dalawa base sa post na picture sa Instagram ng TV host/actress na may kasamang kaibigan noong Valentine’s Day.

“No, we’re still together,” sabi ni Jasmine. “Magkasama kami noong Valentine.”

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Wala kasing pinost na litrato sina Sam at Jasmin na magkasama noong Valentine’s Day kaya inakala ng followers niya na break na sila at naungkat pa na hindi raw kasi boto ang Ate Anne Curtis ng dalaga.

Pero hindi itinanggi ni Jasmin na kung minsan ay nagkakaproblema sila ni Sam.

“We do have our own simple conflicts but all couples naman go through that, lalo na pareho kaming busy with our own careers.”

Pero hindi raw magiging dahilan ang maliliit na bagay para maghiwalay sila ni Sam.

Samantala, masaya si Jasmin dahil maganda ang feedback ng programang Move It, Clash of the Streetdancers na talagang inaabangan daw tuwing Linggo.

“Nakakatuwa kasi everywhere I go, people are talking about the dancers who are competing in Move It that I host with DJ Tom Taus,” masayang tinig ni Jasmin.

Samantala, magtatagisan ng galing sa pagsayaw ang mga grupong Pangasinan Movement, PUP Power Impact Dancers, FMD Xtreme, Nocturnal Dance Company, Next to Innocence Kids, FOS 417 Autonomicass Crew and Tha Mist.  At ang solo movers naman ay maglalaban sina Anykka Asistio, RJ de Claro, Charlotte Hermoso, Sergio Garcia at Chris Leonardo na mapapanood ngayong gabi sa ganap na 7PM sa TV5.